Wednesday, December 29, 2010

Of New Year's Resolution

Patapos na ang taon at nandito na naman ako sa harap ng laptop, nagttype ng blog entry para malaman ng internet ang nasa loob ko. Kahit walang taong nakikinig.

Sabi nila, past is past. 2011 is approaching, we all should move on. Erase your mistakes, say hello to another beautiful year.

Ito naman lagi yung sinasabi natin eh. Lagi na lang kapag nagbabagong taon na. Ito lagi yung motto, nagiging cliche na nga eh. Pero, ano ba talaga dapat? Kaya ba talaga nating panindigan yung mga nasa loob natin? Kaya ba nating magbago? Sigurado ba tayong seswertehin tayo ngayong taon regardless of those things said by the feng shui experts?

Kanya kanyang diskarte nga lang yung alam ko. Pero kahit gano karaming bilog na prutas ang nasa mesa natin, kahit gano karaming golden coins ang nasa bulsa natin, kung wala tayong personal na relasyon sa Diyos, kung wala tayong panalangin, kung wala tayong ambisyon, kung wala tayong ganang gumawa ng kahit ano, taon man o dekada o century ang lumipas, wala pa rin tayong mararating.

Ito na nga ba 'yung sinasabi ko. Lahat kasi tayo, mas nasasarapan sa salita kesa gawa. Bakit kaya? Bakit hindi natin kayang gampanan yung mga pangako natin para sa sarili natin tsaka para sa ibang tao?

Sana lahat tayo merong pangarap. At kung meron man, sana lahat tayo hindi nangangarap ng gising.

Ano ba 'yung NEW YEAR's RESOLUTION KO?

1. Ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko nang mabuti. (Cesarean Operation again =D)

2. Magtitipid ako nang mabuti.

3. Hindi ako magboboyfriend.

4. Mas maging active sa Campus Bible Fellowship.

5. Sisimba ako every Sunday nang hindi late at walang absence.

6. Mas paglalaanan ko ng time ang evening devotion, Bible reading at quiet time with the Lord.

7. Dapat marunong na ko magdrive ng sasakyan this year.

8. Dapat marunong na kong magplay ng any musical instrument this year.

9. Maging isa ako sa teachers ng Awana.

10. Mainvolve sa photography session.

'yun ang TOp 10. Pero meron 'yung pinaka importante kong ishe-share is that, habang iniisip ko yung top priorities ko within this year, HINDI NATIN KAYANG MAABOT 'TO WITHOUT GOD'S GRACE.

I always bear in mind that I am weak. I cannot do all these things all by myself. Naging ganito ako, kinaya ko yan, nagkaroon ako nito ALL BECAUSE OF GOD'S GRACE.

Wala akong kayang marating kung hindi dahil sa Kanya.

Masaya lang ako, kahit pa medyo may konting luha akong pinatulo this December.

Ikaw, ano'ng mga NY's resolution mo?

PS: Nababasa mo 'to ngayon because of God's grace. <3


No comments:

Post a Comment